Pagbabakuna
Mga Bakuna (Vaccination)
Tumpak na pagsusuri at personal na pangangalaga para sa kalusugan ng iyong anak.
Proseso ng Pagbabakuna
Huwag palampasin ang schedule ng bakuna ni baby. Narito ang mga hakbang na dapat asahan.

Pagbisita sa Araw ng Appointment
Pumunta sa aming clinic
batay sa inyong naka-iskedyul na appointment.

Pag-fill out ng Health Questionnaire
Pagdating sa clinic, sasagutan ninyo ang aming
health questionnaire para sa medical history ng bata.

Pagsuri sa Vaccination Records (NIP)
Aming titingnan ang records sa National Immunization Program (NIP) system
para masuri ang history ng kanyang bakuna, kung pwede na siyang bakunahan, at kung aling vaccines ang kailangan niya ngayon.

Unang Pagsusuri ng Doktor
Susuriin ng aming pediatrician ang kasalukuyang kalusugan ng iyong anak
upang masiguro na siya ay nasa mabuting kondisyon para tumanggap ng bakuna sa araw na ito.

Paghahanda ng Bakuna
Kapag nakumpirma ng doktor na ligtas bakunahan ang bata,
ihahanda na ang mga kailangang vaccine.

Pangalawang Check-up at Pagbabakuna
Babalik ang bata sa consultation room
upang tuluyan nang ibigay ang kanyang bakuna.

Mga Dapat Tandaan BAGO Magpabakuna
- Siguruhing ang magdadala sa bata sa clinic ay ang taong pinakanakakaalam ng kanyang kasalukuyang kalagayan at health history.
- I-check ang temperatura ng bata bago umalis ng bahay. Siguruhing wala siyang lagnat.
- Huwag kalimutang dalhin ang inyong Mother-Child Health Booklet o ang Baby Book ng anak ninyo.
- Paliguan ang bata isang gabi bago ang schedule, at papuntahin siya nang nakasuot ng malinis at preskong damit.
- Hangga’t maaari, huwag isama sa clinic ang iba pang mga bata kung hindi naman sila naka-schedule para sa bakuna.

Mga Dapat Tandaan MATAPOS Magpabakuna
- Manatili muna sa clinic ng 20 hanggang 30 minuto pagkatapos mabakunahan upang ma-obserbahan kung may immediate side effects ang bata.
- Patahanin at yakapin ang bata. Kung siya ay sanggol, makakatulong ang pagpapadede (breastfeeding) para mapanatag siya.
- Magtanong sa doktor kung ligtas bang painumin ang bata ng pain relievers tulad ng Acetaminophen pagkauwi, kung sakaling kailanganin.

Mga Paalala Pagdating sa BAHAY
- Alamin ang mga karaniwang side effects na maaaring maranasan ng bata pagkatapos mabakunahan.
- Bantayang mabuti ang kondisyon ng iyong anak sa loob ng hindi bababa sa 3 oras pagkauwi.
- Iwasan muna ang mga mabibigat na aktibidad o paglalaro sa mismong araw at sa araw pagkatapos ng bakuna.
- Tiyaking nakatihaya (nakahiga nang tuwid ang likod) ang bata kapag siya ay natutulog.
- Panatilihing malinis at tuyo ang bahaging iniksyunan.
- Kung may pamumula, pananakit, o pamamaga sa iniksyunan, dampian ito ng malamig at basang tuwalya (cold compress).
- Obserbahan ang bata nang mabuti sa loob ng hindi bababa sa 3 araw. Kung siya ay magkalagnat nang mataas o dumanas ng kombulsyon (seizures), dalhin agad siya sa doktor.
Mag-book ng Appointment
I-click para palakihin ang larawan
